Pagtanggap ni Vice-President Leni Robredo na maging anti-drug czar, ikinatuwa ng Malakanyang
Pinatunayan ni Vice President Leni Robredo na mas matalino siya sa kanyang mga kasamahan at kaibigan.
Ito ang komento ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kasunod ng anunsyo ni Robredo na tinatanggap niya ang pusisyon na co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD.
Matatandaan ns pinayuhan si Robredo ng ilan sa mga kasamahan niya sa oposisyon gaya nina Senador Francis Pangilinan, Cong. Edcel Lagman, Erin Tanada, dating Sen. Antonio Trillanes na huwag tanggapin ang pwesto.
Sinabi ni Panelo, ngayong tinanggap na ni Robredo ang pwesto ang susunod na hakbang ay makipagkita si Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay para maging mas malinaw sa kaniya kung ano ang partikular niyang trabaho bilang co-chair ng ICAD.
Inihayag ni Panelo na welcome si Vice President Leni Robredo sa gabinete at tiniyak muli nito na tutulungan naman siya ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagganap niya ng tungkulin.
Ulat ni Vic Somintac