Pagtanggap ni VP Leni Robredo bilang Anti-Illegal Drug czar, tinalakay sa Cabinet meeting sa Malakanyang
Tinalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ipinatawag niyang 43rd Cabinet Meeting sa Malakanyang ang pagtanggap ni Vice President Leni Robredo bilang Anti Illegal Drug Czar.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na natuwa si Pangulong Duterte at tinanggap ni Vice President Robredo ang pagiging Co-chairperson ng Interagency Committee on Anti Drug o ICAD.
Ayon kay Panelo naniniwala ang Pangulo na mauunawaan ni Vice President Robredo ang dynamics ng anti illegal drug operations na may mga pagkakataong hindi maiiwasan na mayroong mamamatay sa panig ng operatiba ng pamahalaa at mga drug personalities.
Inihayag ni Panelo na binanggit ng Pangulo na maaaring magbago ang pananaw ni Robredo dahil personal niyang mararanasan na handang pumatay at magpakamatay ang mga drug personalities.
Magugunitang dahil sa mga banat ni Robredo at grupo ng oposisyon na marami ng namatay sa anti drug operations kaya inalok ng Pangulo ang Pangalawang Pangulo na pangunahan na mismo ang anti drug campaign ng gobyerno.
Ulat ni Vic Somintac