Pagtanggi ni PAO Chief Acosta na magpabakuna, legal right nito –Guevarra
Sang-ayon si Justice Secretary Menardo Guevarra na may ligal na karapatan si Public Attorneys’ Office (PAO) Chief Persida Acosta na tumanggi magpabakuna laban sa COVID-19.
Ayon sa kalihim, sa ngayon ay wala pang batas na mandatory ang pagpapabakuna ng anti-COVID vaccines.
Maaari aniyang tumanggi ang isang tao na magpaturok para sa mga personal na dahilan.
Gayunman, ipinunto ni Guevarra na may kapangyarihan ang gobyerno na i-regulate ang galaw ng mga hindi bakunadong indibiduwal para sa interes ng kalusugan at kaligtasan ng publiko.
Tungkulin naman aniya ng mga unvaccinated na sumunod sa mga regulasyong ito.
Sinabi ni Guevarra na ang mga polisiya ay hindi lamang para sa kapakinabangan ng mga bakunado kundi maging para sa kabutihan din ng mga unvaccinated.
Moira Encina