Pagtataguyod ng awareness sa sakit na Axial Spondyloarthritis, isinusulong ng iba’t-ibang grupo
Bilang bahagi ng Bone and Joint Week Celebration nag tie up ang iba’t-ibang non-government organization upang mas lalo pang mapalakas ang kanilang kampanya at pagtataguyod ng awareness patungkol sa Axial Spondyloarthritis (axSpA) para sa Early diagnosis at treatment ng nasabing sakit.
Ang AxSpA na tinatawag din na Ankylosing Spondylitisna kadalasan na apektado ang buto, sa kabila ng pandemya naglunsad ang Novartis at Association of the Philippines (ASAPh) and Philippine Rheumatology Association (PRA) ng kabi kabilang mga aktibidad kabilang ang awareness campaign para i-educate ang mga pasyente, mga pamilya at general public patungkol sa importansya sa early diagnosis, prevention, disease management at treatment ng nasabing sakit.
Ayon pa sa mga eksperto ang axSpA ay madalas hindi nakikita sa x-ray o MRi pero mararamdaman ang sintomas nito tulad ng back pain na nagiging dahilan din aniya ng diagnosis delay na ang ibig sabihin mayroong interval sa pagitan ng pagpapakita ng sintomas ng axSpA at diagnosis nito na ginagawa ng mga rheumatologists, ang delay aniya kadalasan ay umaabot ng maximum 7 years.
Maagang consultation aniya ang susi upang agad na madetect ang sakit na axSpA. Kabilang sa posibleng early signs at sintomas ng axSpA ay ang paminsang minsang pagsakit ng likod, pagsakit ng kasu-kasuan, tendons at ligaments, at pagsakit nito na umaabot ng ilang buwan na nauuwi pa minsan sa weight loss, fatigue o tiredness, feeling feverish o parang nilalagnat at night sweats o madalas na pagpapawis sa gabi.
Kung kaya hinihikayat nila ang marami na magpakonsulta agad sa doktor o mga eksperto upang agad na malunasan ang nasabing sakit.
“Raising awareness to this underserved group of patients who have non-radiographic axial spondyloarthritis , continuing advances in education among clinicians and empowering the patients themselves, we have the chance to prevent disability,” explained Dr. Evan Glenn Vista, FPCP, FPRA, Rheumatologist. “By intervening early and holistically, these individuals would be able to lead a meaningful life, integrate and contribute to our society without the burden of the disease during their most productive years.”
Lumalabas sa isang survey ng The International Map of Axial Spondyloarthritis (IMAS) ang malaking case study, na ang mga pasyente nito ay naapektuhan ang pang araw araw na pamumuhay, career maging ang mental health kung hindi agad ito maagapan at magagamot.
Pero isa sa magandang balita na ang AxSpa ay treatable at maraming paraan para ito ay magamot, tamang diagnosis at treatment aniya ang kinakailangan para magamot ang sakit.
“We are hopeful that our patients will have better access to information on the disease and novel treatments for this condition. With our 200-strong rheumatologist members and partners, we at the Philippine Rheumatology Association are one with your mission of providing better health outcomes to our patients,” ayon kay Dr. Juan Javier Lichauco, President, Philippine Rheumatology Association.
“ Research and development efforts are designed to provide patients with novel medicines and treatments that will let them live pain-free. As partners, we look forward to this strengthened collaboration as well as to providing the support our patients need,” ito ang sinabi ni Jugo Tsumura, President and Managing Director, Novartis.
Earlo Bringas