Pagtatakda ng deadline sa pagbibigay ng libreng COVID- 19 vaccine hindi pa napapanahon ayon sa DOH
Hindi muna tinitingnan ng Department of Health ang posibilidad na magkaroon ng deadline sa pagbibigay ng libreng bakuna kontra COVID- 19.
Paliwanag ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire, naglaan ng malaking pondo ang gobyerno para mabigyan ng bakuna ang buong populasyon ng bansa.
Kaya aniya ito ginawa ng gobyerno ay para maibigay ng libre ang mga bakuna at matiyak ang proteksyon ng publiko laBan sa virus.
Dahil dito , hindi muna aniya pwedeng magbigay ng restriction ang gobyerno sa pagbabakuna.
Muli namang hinikayat ni Vergeire ang publiko na samantalahin habang libre pa ang bakuna.
Sa oras na magkaroon na ng Certificate of Product Registration ang isang bakuna, puwede na itong bilhin ng publiko sa merkado.
Sa ngayon isang COVID- 19 vaccine manufacturer pa lang ang nag apply ng CPR at ito ang Janssen ng Johnson and Johnson.
Madelyn Villar-Moratillo