Pagtatalag sa AFP bilang mga Law Enforcer ngayong Election period, sinang-ayunan ng Malakanyang
Sinang-ayunan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deputation ng Armed Forces of the Philippines o AFP bilang mga law enforcer ngayong election period.
Sa Memorandum order no. 21, inaatasan ng Pangulo ang AFP na makipag-ugnayan sa Commission on Elections o Comelec para sa mga gagawing Law Enforcement duties ng military.
Magugunitang pinagtibay ng Comelec noong Marso 20 ang kanilang En Banc Resolutiuon no. 10207 na i-deputize ang AFP para sa Law enforcement sa panahon ng halalan.
Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us: