Pagtatalaga ng isang El Niño Czar, inirekomenda ng isang Senador

Inirekomenda ni Senador Sonny Angara kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng isang El Niño Czar na direktang mangangasiwa at mananagot sa mga problemang dulot ng tagtuyot.

Sa harap ito ng inaasahang mas matindi pang epekto ng El Niño lalo na sa mga magsasaka dahil sa pagpasok ng tag -init ngayong Marso.

Sinabi ni Angara na mahalagang matugunan agad  ang mga problema ng mga magsasaka para  hindi na maulit ang pag-aalboroto ng mga ito gaya nang nangyari sa Kidapawan noong 2016 kung saan libo-libong magsasaka ang nagprotesta dahil sa kawalan ng aksyon ng gobyerno sa kanilang hinaing.

Kailangan aniyang may konkretong plano at opisyal na maaring agad tumugon sakaling dumulog na ang mga magsasaka na maaepktuhan ng El Niño phenomenon.

Inirekomenda rin ng Senador ang paggamit ng 20 billion pesos na pondo ng National Disaster Risk Reduction ang Management council (NDRRMC) para bigyan ng ayuda ang mga magsasaka bukod pa sa 36 billion na pondo ng National Irrigation Administration (NIA) para sa kinakailangangag patubig.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *