Pagtatalaga ng mga pulis sa ilang kolehiyo at unibersidad para sa F2F classes, pinaghahandaan na ng PNP
Naghahanda na ang Philippine National Police para sa pagtatalaga ng mga pulis sa sandaling simulan na ang face to face classes sa ilang kolehiyo at unibersidad sa bansa.
Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, bumubuo na sila ng mga hakbang para mabantayan at matiyak ang seguridad ng mga estudyante, guro kasama na ang mga non-teaching personnel.
Kasabay nito, umapila si Carlos sa publiko na patuloy na tumalima sa mga umiiral na health at safety protocol sa gitna ng banta ng bagong variant ng Covid-19.
Nauna nang nag-anunsiyo ang Ateneo de Manila University na unti-unti na silang magbabalik klase sa Enero 2022.