Pagtatanggal ng 10% Preferential tax rate sa mga private non-profit schools isusulong sa Senado
Haharangin ni Senador Bam Aquino ang plano ng gobyerno na alisin ang 10 porsyento preferential tax sa mga private non profit schools na maaring maging dahilan para itaas ang tuition fee at hospitalization.
Sa kasalukuyang sistema, ang mga non profit educational institutions at mga non profit hospitals ay tumatanggap ng 10 percent preferential income tax rate.
Pero sa ilalim ng second tax reform package, papatawan ang mga institusyong ito ng 25 percent na buwis na halos doble ng ipinapataw na buwis ng gobyerno.
Sinabi ng Senador na hindi tamangg magpataw na naman ng bagong buwis ang gobyerno dahil ang tatamaan din nito ay ang publiko na nalulunod na sa mataas na presyo ng mga bilihin.
Nauna nang inihain ni Senate President Vicente Sotto ang Senate Bill 1906 o Corporate income tax and incentive reform act pero hindi pa ito naisasalang sa pagdinig sa committee level.
Ulat ni Meanne Corvera