Pagtatanggal ng Pork barrel ng mga Senador at Kongresista ipinauubaya na kay Pangulong Duterte

Ipinauubaya na ni Senador Panfilo Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte kung tatanggalin nito ang bilyun-bilyong pisong insertion ng mga Senador at Kongresista na itinuturing umanong pork barrel.

Aminado si Lacson na wala siyang nakuhang sagot mula sa Pangulo sa kaniyag panawagan na i-veto ang 160 million na pork ng bawat Kongresista ang 23 bilyong piso mula sa Senado na isiningit sa pamamagitan ng individual amendments.

Ayon sa Senador, malinaw namang nakasaad sa budget at may detalyadong report na sa mga proyektong popondohan ng pork insertion at bahala na raw ang pangulo na magdesisyon hinggil dito.

Aminado si Lacson na desperado na siya dahil kung hindi maalis ang pondo, maaring mapunta lamang ito sa bulsa ng ilang tiwaling opisyal ng gobyerno.

Nadismaya ang Senador dahil sa report ng Bicameral conference committee, hindi natanggal ang pork barrel ng mga Senador at Kongresista.

Kasabay nito, namahagi si Lacson ng mga hand sanitizer na may litrato ng isang baboy kung saan nakasaad ang “No to Pork”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *