Pagtatanghal ng ‘Phantom of the Opera’ sa New York, tinapos na
Pagkatapos ng 35 taon at halos 14,000 performances, ay tuluyan nang ibinaba ang kurtina sa huling pagkakataon para sa “longest-running show in Broadway history,” — ang “The Phantom of the Opera.”
Simula nang magbukas noong January 1988, ang megahit musical ni Andrew Lloyd Webber ay nagpahanga kapwa sa mga taga New York at sa mga turista, na naging isang simbolo ng pamosong theater district.
Ang melodrama tungkol sa maskaradong musical genius, na umiibig sa sopranong si Christine ay napanood ng 20 milyong katao at kumita ng higit sa $1.4 billion sa ticket sales.
Subalit nagpasya ang producers na panahon na upang tapusin ang record-breaking show, nang mahirapan itong makabawi mula sa 18-buwang pagsasara sa panahon ng Covid-19 pandemic.
Sinabi ng isang 56-anyos na spectator na si Daniel Wright, “While I have seen the show multiple times, the final night was “extraordinary.” There were so many moments when I teared up, goose bumps, it was just a well-crafted show. There are reasons why it has been around for 35 years. It’s a timeless classic, it has touched so many people’s lives.”
Ang palabas, na halaw mula sa French novel ni Gaston Leroux na may kaparehong pamagat, ay nanalo ng pitong 1988 Tony Awards, kabilang ang best musical, at naging “longest-running show in Broadway history” noong January 9, 2006.
Ayon sa production, nakapag-employ sila ng 6,500 katao, kabilang ang 450 actors, sa loob ng maraming taong pagtatanghal.
Ang palabas nitong Linggo sa harap ng isang sold-out crowd sa Majestic Theatre sa Times Square, ay ang pang 13,981 performance ng Phantom.
Dinaluhan ng 1,600 audience na tumayo at masigabong pumalakpak, nang samahan ni Lloyd Webber ang original at kasalukuyang cast members sa entablado para sa “final curtain call.”
Inihandog ng septuagenarian British composer ang palabas sa kaniyang anak na lalaki na namatay dahil sa kanser noong Marso.
Sinabi ni Webber, “Thank you all, thank you everybody and thank you New York for being such a wonderful home for us.”
Sa kabila ng marami nitong “mega-fans,” ang kakaunting manonood simula nang magkaroon ng Covid-19 ang sanhi upang tapusin na ang naturang Broadway show.
Noong Setyembre ng nakalipas na taon, sinabi ng British producer na si Cameron Mackintosh sa New York Times, na nagsimulang malugi ang produksiyon dahil sa mabagal na pagbalik ng international visitors sa Big Apple pagkatapos ng pandemya.
Ang tumataas na gastusin sa produksiyon, na nasa $950,000 kada linggo ay isa rin sa dahilan.
Ayon kay MacKintosh, “There comes a point, with any show, where there is a tipping point, where the number of good weeks has declined sufficiently that actually it’s outweighed by the number of losing weeks, and at that point there’s only one sensible decision to make. But, in our wildest childhood dreams, we could never imagine the success of Phantom.”
Ang anunsiyo na tatapusin na ang “Phantom” ay nagpalakas sa ticket demand, na nagresulta upang ang closing date ay i-urong ngayong Abril mula sa dating Pebrero.
Sa run-up patungo sa final performance, ang huling mga tiket ay naibenta ng higit sa $500 sa booking sites.
Samantala, nakatakda nang simulan ang malawak na renovations sa Majestic Theatre.
Ang parangal bilang “longest-running musical on Broadway” ay pagmamay-ari na ngayon ng “Chicago,” na nag-premiere noong 1996, bago ang “The Lion King,” na nagbukas naman ng sumunod na taon.
Ang 41 Broadway theaters malapit sa Times Square na bumubuo sa cultural at touristic heart ng New York, ay nag-a-average sa pagitan ng 200,000 at 300,000 spectators kada linggo, na nagreresulta sa higit $30 milyong lingguhang kita.
Ang “The Phantom of the Opera” naman na nag-premiere sa London noong 1986, ay nagpapatuloy pa rin sa pagpapalabas.
© Agence France-Presse