Pagtatapon human waste sa West Philippine Sea, pinaiimbestigahan
Pinaiimbestigahan ni Senador Ralph Recto sa Department of Environment and Natural Resources o DENR ang napaulat na pagtatapon ng human waste ng China sa West Philippine Sea.
Nauna nang ibinunyag ng isang kumpanya sa amerika na nagtatapon ng human wastes ang China sa naturang isla batay sa nakuha ng satellite images.
Ayon kay Recto, Nakakabahala na hindi lang reclamation ang ginagawa ng China kundi pagtatapon umano ng kanilang human waste sa dagat.
Paalala ng Senador, batay sa umiiral na international law, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon ng anumang basura sa dagat.
Kahit wala aniyang batas para dito, hindi katanggap tanggap para sa mga sibilisadong tao na magtapon ng anumang dumi o basura sa fishing ground.
Kung mapapatunayan ang alegasyon hinimok ni Recto ang gobyerno na magsampa ng kaso laban sa China.
Hinimok rin nito ang Department of Foreign Affairs na maghain ng diplomatic protest kung may sapat na ebidensya.
Meanne Corvera