Pagtatatag ng national transportation safety board, isinusulong matapos ang aksidente sa Occidental Mindoro
Inirekomenda ni Senador Grace Poe ang pagbuo ng National Transportation Safety board o NTSB na mag-iimbestiga at gagawa ng solusyon sa mga dahilan ng aksidente sa mga lansangan.
Kasunod ito ng nangyaring aksidente sa Mindoro na ikinamatay ng 19 katao.
Sinabi ni Poe na patuloy na nangyayari ang mga trahedya sa lansangan dahil karamihan sa mga public utility vehicle ay hindi na roadworthy pero pinapayagan pa ring makapagbiyahe.
Katunayan sa datos ng Philippine Statistic Authority noong 2014, umaabot sa halos 44,000 katao na ang namatay dahil sa mga aksidente sa lansangan.
Pero hanggang ngayon nakapagbabiyahe pa rin ang mga pampublikong sasakyan kabilang na ang dimple bus na naaksidente sa Mindoro.
Kung aaprubahan aniya ang NTSB may iisang ahensya na mananagot at mag iinspeksyon sa lahat ng pampublikong sasakyan.
Sakop nito ang mga eroplano, sasakyang pandagat, railway at iba pang uri ng pampublikong transportasyon.
Ulat ni Meanne Corvera