Pagtatayo ng Kaliwa dam, ipipilit ng MWSS kahit marami ang tumututol

Hindi na mapipigilan ng kahit anumang sektor ang pagtatayo ng Kaliwa dam sa lalawigan ng Quezon.

Ito ang inihayag ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS Administrator Reynaldo Velasco sa briefing sa Malakanyang.

Sinabi ni Velasco na done deal na ang pagpapatuloy ng konstrakyon ng Kaliwa dam sa ilalim ng Official Development Assistance o ODA fund ng Chinese goverment.

Ayon kay Velasco bagamat kinakaya pa ng Angat dam ang pagsu-supply ng tubig sa Metro Manila hindi na ito magtatagal.

Patuloy na itinatanggi ni Velasco ang hinalang sinadya ang water supply shortage sa Metro Manila para mabigyang katuwiran ang pagtatayo ng Kaliwa dam.

Tumanggi rin si Velasco na idetalye ang nais ipagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa MWSS at National Water Resources Board o NWRB noong sila ipatawag sa Malakanyang at pagalitan ng Chief Executive.

Inihayag ni Velasco basta gagawin niya ang nararapat na hakbang para masunod ang nais ng Pangulo at maresolba ang water supply shortage sa Metro Manila.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *