Pagtatayo ng kauna-unahang Integrated Terminal and Science Center building sa bansa sinimulan na
Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways ang pagtatayo ng Taguig City Science Terminal and Exhibit Center.
Ito ang kauna-unahang integrated terminal and science center building sa bansa na matatagpuan sa compound ng Department of Science and Technology sa Taguig.
Ayon sa DPWH, target na makumpleto ang proyekto sa kalagitnaan ng 2023.
Nabatid na sa orihinal na plano, ang proyekto ay para lang sana masolusyunan ang problema sa traffic congestion sa lugar pero matapos ang serye ng mga pulong isinama na rin sa plano ang pagkakaron ng exhibit center.
Ang gusali ay may 5 palapag na may sukat na 13,680 square meters.
Ang unang tatlong palapag ay magsisilbing public transportation hub, habang ang dalawa pang palapag ay mga opisina at Science and Technology Exhibit Center.
Madelyn Villar – Moratillo