Pagtatayo ng mga growth areas, makatutulong para mabawasan ang congestion sa Metro Manila

Isa sa nakikitang solusyon ni Senador JV Ejercito para mabawasan ang congestion o kasikipan sa Metro Manila ay ang pagtatayo ng mga growth areas.

Ayon kay Ejercito, malaki ang maitutulong ng mga massive infrastructure program at railway system sa mga kababayan natin sa mga lalawigan upang hindi na sila magtungo sa Kamaynilaan para makahanap ng mas magandang opurtunidad.

Aniya,kung maganda ang ating mga road network at marami nang mga naitayong pabrika ay hindi na lahat ay nagpupuntahan sa Metro Manila.

Dahil ngayon walang opurtunidad sa labas, lahat nagsisiksikan sa Metro Manila,  sakin magko-concentrate muna ako sa aking adbokasiya na Massive Infra-Railway dahil naniniwala ako na ito ay makakatulong ng malaki sa ating ekonomiya at makapagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan at magpapaunlad sa mga rural areas”.

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *