Pagtatayo ng mga Informal settlers sa Banawe rice terraces sa Ifugao, pinaiimbestigahan

Nabahahala si Senador  JV Ejercito sa unit-unting pagkasira ng isa sa mga itinuturing na National treasure na Rice terraces.

Personal na binisita ni Ejercito ang Rice terraces at nakipagpulong sa mga magsasaka at mga lokal na opisyal doon.

Inirereklamo aniya ng mga ito ang pagtatayo ng bahay ng mga informal settlers sa ilang bahagi ng rice terraces at pagtanggi na rin ng mga kabataan na itaguyod ang pagtatanim.

Bukod sa national treasure, ang 2,000 year old na Rice terraces ay kabilang sa 8th Wonder of the world.

Sinabi ni Ejercito na kakausapin niya si Senador Nancy Binay, chairman ng Senate committee on Tourism, para magsagawa ng environmental audit at makabuo ng batas na inaasahang magiging solusyon dito.

Senador JV Ejercito:

“Ang ganda ng Banaue! Sayang it’s deteriorating. Like Boracay, we need drastic measures to save it. Banaue Rice Terraces is not only a national treasurer, but the 8th Wonder of the World! We need to act and preserve it I will discuss this with my legislative staff. I will ask Senator Nancy to conduct hearing on environmental audit”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *