Pagtatayo ng OFW Hospital lusot na sa Kamara
Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 8325 o panukalang Overseas Filipino Workers Hospital.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez, na ang pagpapatibay ng panukalang batas na magtatatag ng OFW Hospital ay patunay ng suporta ng Kamara sa kapakanan ng OFWS na itinuturing na mga bagong bayani dahil sa kanilang malaking ambag sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kanilang remittances.
Ang OFW Hospital ay isang Level 3 hospital na itatayo sa lalawigan ng Pampanga at pamamahalaan ng Department of Migrant Workers (DMW), na magbibigay ng komprehensibong serbisyong pangkalusugan sa mga OFW kasama ang kanilang dependents.
Kabilang sa principal author ng panukalang OFW Hospital si dating Pangulo at House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Vic Somintac