Pagtatayo ng permanenteng evacuation centers, napapanahon na
Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa gobyerno na isaalang-alang ang pagpapatayo ng mga matitibay na evacuation centers para sa mga inililikas tuwing may kalamidad.
Naghain na si Gatchalian ng Senate Bill No. 747 para sa mandatory na paglalagay ng evacuation center sa lahat ng munisipyo at mga lungsod na karaniwang nasasalanta ng mga bagyo, lindol, at iba pang kalamidad
Iginiit ng mambabatas na maraming sa mga residente sa buong bansa ang mga nasa low lying areas at malapit sa dagat na madalas biktima ng baha at posibleng storm surge na kinakailangang ilikas.
Ayon sa senador, bahagi lang ito ng emergency preparedness para maiwasan ang matinding casualties lalo na kapag may malakas na bagyo.
Sa panukala dapat may sapat na pasilidad ang mga evacuation centers, may suplay ng tubig at kuryente, palikuran, isolation facility at tiyakin na hindi siksikan ang mga residente para masiguro ang health and safety protocols sa kasagsagan pa rin ng Pandemya.
Meanne Corvera