Pagtatayo ng rehabilitation center sa mga lalawigan isinusulong sa Senado
Isinusulong ni Senador Christopher Bong Go ang panukalang batas na magtayo ng rehabilitation center sa lahat ng mga lalawigan sa buong bansa.
Sa Senate bill 428 ni Go, magpapatayo ng drug treatment and rehab center na pangangasiwaan ng Department of Health.
Ang mga drug addict aniya ay ituturing na mga biktima para mabigyan ng sapat na medical, psychological at spiritual assistance para maayos na makabalik sa lipunan.
Sinabi ng Senador na kasama ang recovery at rehabilitation sa mga biktima ang giyera laban sa droga.
Tiniyak naman ng Senador na itutuloy nya ang laban kontra sa iligal na droga gaya ng bilin sa kanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Meanne Corvera