Pagtatayo ng resort atbp istruktura sa Mt. Apo, pinaiimbestigahan na rin sa Senado
Pinaiimbestigahan na sa Senado ni Senador Raffy Tulfo kung sino ang nagbigay ng permit para makapag operate ang mga negosyo sa Mount Apo National Reserve sa Davao city.
Sa kaniyang privelege speech sinabi ni Tulfo na nagtayo na rin ng resort sa naturang protected area ang mga negosyong Twin Mountain View, Monte Frio at vVilla Recurso.
Ayon sa Senador, iligal ang pagtatayo ng mga istruktura sa Mt. Apo dahil nasasakop pa ito ng protected area.
Tanong ng Senador, sino ang nag – apruba para makapag- operate ang naturang mga negosyo .
Mismong si Pangulong Bongbong Marcos kasi aniya ang nag-utos para i preserve at protektahan ang Mt Apo dahil plano itong i aplay na maisama sa United Nations Educational Scientific and Cultural Organization o UNESCO bilang World Heritage sites.
Sinabi pa ni Tulfo, tinawagan niya ang DENR para hingan ng paliwanag paano sila nakapagtayo ng negosyo doon, ang sagot ng ahensya binigyan nila ng dalawang taon ang mga ito para alisn ang mga istruktura.
Ang nakakalungkot rin aniya nagtuturuan ang DENR at mga Local Government Units kung sino ang dapat na pananagutan.
Meanne Corvera