Pagtatayo ng Virology Institute isinusulong sa Senado
Inihain sa Senado ang panukalang batas para magtatag ng Virology Science and Technology Institute sa Pilipinas.
Sa harap ito ng nagpapatuloy na banta ng COVID- 19
Sa panukala ni Senador Bong Go ang naturang tanggapan ang aatasan para magdevelop ng bakuna laban sa mga virus tulad ng COVID- 19.
Ito rin ang magsasaliksik, at mag- iimbestiga sa lahat ng mga virus at magsisilbing pangunahing laboratoryo sa Pilipinas .
Sa nakalipas raw kasing dalawang taon na may COVID-19 sa bansa naging mabagal ang aksyon at pagtukoy sa mga possible cases kaya mas maramiing tinamaan ng virus.
Dahil kapos rin sa kapasidad at medical resources natagalan bago nakakuha ng bakuna ang Pilipinas.
Dapat aniya laging handa ang Pilipinas para hindi mabulaga at makagawa ng sariling bakuna para hindi kinakailangang umasa sa ibang bansa.
Bukod sa virology institute, iminungkahi ng senador ang pagtatatag ng Philippine center for disease control o ahensyang mangunguna sa pagsugpo sa mga nakakahawa at nakakakamatay na sakit.
Meanne Corvera