Pagtawag ni PRRD kay Secretary Duque bilang bayani, Inalmahan ng mga Senador
Umalma ang mga Senador matapos tawagin ni Pangulong Duterte bilang bayani si Health Secretary Francisco Duque III dahil sa umanoy mahusay na pagtugon sa COVID- 19.
Pero ayon kay Senate President Vicente Sotto, hindi si Duque kundi mga medical frontliners ang tunay na bayani.
Para naman kay Senator Sherwin Gatchalian, hindi iisang tao lang ang may kakayahan at kumikilos para labanan ang pandemyatinukoy ng Senador sina Vaccine Czar Carlito Galvez , COVID-19 task force deputy chief implementer Vince Dizon at lahat ng medical frontliners.
Dapat rin aniya silang bigyan ng pagkilala tulad ng ginawa kay Duque.
Para kay Senator Francis Pangilinan ang pangulo na lang ang naniniwala kay Duque samantalang hindi maayos ang pagtugon ng gobyerno sa pandemya.
Hindi rin pabor si Senador Grace Poe na ideklarang bayani si Duque.
Ang tunay na bayani aniya ay mga health workers at mga manggagawang nagbuwis ng buhay para makapagligtas ng kanilang kapwa at dapat sila ang bigyan ng tamang pagkilala ng gobyerno.
Meanne Corvera