Pagtimbang sa mga isyung kinakaharap ng Duterte Administration, publiko pa rin ang huhusga- Political analyst
Publiko na ang bahalang magpasya kung paano titimbangin ang mga isyung kinakaharap ng bansa.
Sa panayam ng Liwanagin Natin, sinabi ni UP Professor at Political Analyst Nelson Cainghog , sa bawat isyu ay may dalawang panig na talagang kailangang timbangin kung ano ang mas makakabuti para sa nakakarami.
Kaugnay ito sa isyung kinakaharap ng Duterte Administration, partikular na sa usapin ng umano’y pagkakasangkot ng Pangulo sa pagpatay at ang naging paglantad ni SPO3 Arthur Lascañas.
“Banggaan po talaga ito ng narrative kasi sa bawat pangyayari mayroon talagang dalawang side diyan at ang tanong na lang dito sino ang mas papaniwalaan ng publiko “.-Cainghog
Sinabi pa ni Cainghog may mekanismo naman ang demokrasya sa Pilipinas para mapanagot ang mga taong gobyerno na ayaw na ng taumbayan .
Dagdag pa ni Cainghog, dapat ding suriing mabuti ang sitwasyon at huwag madaliin ang usapin para sa bandang huli ay walang pagsisisihan.