Pagtungo sa Pilipinas ng mga foreigner at returning overseas Filipinos, bawal muna simula sa Sabado
Hindi muna papayagang makapasok sa bansa ang lahat ng foreigners at returning overseas Filipinos (ROFs) na hindi OFWs, simula sa Sabado, Marso 20, 2021.
Batay sa memorandum circular na ipinalabas ng National Task Force Against COVID-19 na isinapubliko ng Department of Health, ang kautusan ay naglalayong mapigilan ang pagkalat pa ng ibat-ibang variants ng COVID-19 sa bansa.
Magtatagal ang travel ban hanggang Abril 19, 2021.
Exempted naman sa travel ban ang mga may hawak ng 9-c visa o seaman’s visa, medical repatriation at distressed returning overseas Filipinos na may endorsement mula sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan, emergency, humanitarian at iba pang katulad na sitwasyon na may pagpapatibay ng NTF- COVID-19.