Pagyoyosi Ay Adiksyon

Kumusta  na neighbors?

Ang Hunyo ay ‘No Smoking Month’. 

Ang tema ay hindi lamang patungkol sa pagkasira ng katawan ng tao kundi maging ng kapaligiran. 

Kaya nga sasamantalahin na namin na makapagpaalala ukol sa paninigarilyo na maituturing na adiksyon.

 Ikinokonsidera itong sakit, at hindi lamang habit!

Ang sabi ni Dr. Glynna Ong-Cabrera, Pulmonologist, ang nicotine ang pinaka nakaka-addict na component ng sigarilyo on top of the seven thousand chemicals  na nasa isang stick ng sigarilyo .

Wow! Biruin mo ‘yung mga kemikal na pumapasok sa katawan mo dahil naninigarilyo ka?

courtesy of vaping360.com

Ang nicotine sabi ni Dra. Glynna kaya nakaka-addict ay dahil sa umaakyat ito sa utak. 

At sa utak, merong  tinatawag na dopamine pathway na nagti-trigger ng nicotine at  naglalabas ng endorphins o ‘yung happy hormones. 

Iniisip na para marelax ay naninigarilyo .

Ang mga kemikal na nasa  sigarilyo ay may 70 cancer-causing substance, at kapag kumalat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, puwedeng magkaroon ng kanser sa baga, colon, pancreas, kidney, bituka, heart attack at emphysema.

At dahil sa nais na makatulong ang gobyerno sa pamamagitan ng PCCP (Philippine College of Chest Physicians) at DOH, ito ang puwedeng gawin, tumawag sa Lung Center at maaaring silang magbigay ng counseling sa mga gustong huminto sa paninigarilyo. 

Ang tatawagan ay 1558. 

Sabi pa ni Doktora, nagdonate  ang World Health Organization ng nicotine patches, ito ay gamot para sa mga nais huminto sa paninigarilyo.

Ito ay dalawang buwan na libreng ibibigay at nakasubaybay ang doktor.

Alam n’yo ba na may level of addiction din? Yun daw nakaka 1-2 sticks a day ay kaya pa ng counseling, pero, ibang approach na kapag heavily addicted na gaya na kapag kaha-kaha na ang nakokonsumo  sa isang araw.

Huwag po nating ipagwalang- bahala ang mga impormasyong ito at umaasa si Doc Glynna  na ang ating mga kabababayan ay maging bukas ang kaisipan sa pinsalang dulot ng adiksyon sa sigarilyo  at huminto na sa paninigarilyo.

Please follow and like us: