Pahayag na tatakbong Presidente si Senator Bong Go, biro lang daw ng Pangulo
Nagbibiro lang ang Pangulo .
Ito ang sagot ni Senator Christopher Bong Go sa pahayag ng Pangulo na inaambisyon nya ring maging Pangulo ng Pilipinas
Sa kaniyang talumpati sa isang ground breaking ceremony sa Negros Oriental , sinabi ni Pangulong Duterte na nakiusap sa kanya ang kaniyang long time aide at ngayo’y si Senador Go na i-anunsyo sa publiko ang kaniyang ambisyong maging Pangulo .
Pero sa isang Mensahe , sinabi ni Go na nagpapasalamat sya sa tiwalang ibinigay ng Pangulo pero hindi raw sya interesado na tumakbo.
Ayaw nya muna raw pag-usapan ang pulitika dahil ang kaniyang termino bilang Senador ay matatapos pa sa 2025.
Pero inamin nya na maaring magbago ang kanyang pasya kung tatakbong Vice president ang Pangulo.
Samantala sa isang survey ng Pulse asia, nangunguna si Go at ang Pangulo sa mga kandidatong maaring tumakbo sa 2022 Presidential at Vice Elections.
Sa pre -election survey na ginawa ng Pulse Asia mula February 10 hanggang 19 , ang Go Duterte Tandem ay nakakuha ng 32 % na rating sa buong bansa kung saan pinakamataas o katumbas ng 62% ay naitala sa Mindanao.
Sinundan sila ng posibleng tandem na sina Senator Grace Poe at Senate President Vicente Sotto na nakakuha ng 23 % habang pangatlo ang pibleng tambalan nina Dating Senator Bongbong marcos at Senator Manny Pacquiao na nakakuha ng 17 %.
Lumutang rin ang posibilidad ng tambalan nina Senator Ping Lacson at Manila mayor Isko Moreno na nakakuha ng 11 % habang 8% ang posibleng tambalan nina Vice President Leni Robredo at Senator Francis Pangilinan.
Meanne Corvera