Pahayag ng International observer mission na may dayaang naganap noong May 9 eleksyon, kinontra ng Malakanyang
Nanindigan ang Malakanyang na walang anumang iregularidad na nangyari sa nagdaang May 9, 2022 elections.
Ito ang reaksyon ng palasyo kasunod ng inilabas na obserbasyon ng International Observer Mission na hindi pasado sa International standard ng free at fair elections ang katatapos na halalan sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na dapat igalang ang resulta ng halalan dahil ito ang boses ng bayan at bigyan ng pagkakataon ang mga nanalong kandidato na gampanan ang kanilang trabaho para makapaglingkod sa publiko.
Inihayag ni Andanar na ipinauubaya na ng Malakanyang sa Commission on Elections o COMELEC para sagutin ang naging pagdududa ng ilang kampo tulad ng International Observer Mission na nagsabing hindi natugunan ng katatapos na eleksiyon ang standard na malaya at patas na halalan.
Vic Somintac