Pahayag ni Pangulong Duterte na legally binding ang kasunduan ng Pilipinas at China na mangisda sa EEZ ang mga tsino, labag sa Saligang Batas
Nanindigan si Prof. Jay Batongbacal, Director of UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea na labag sa saligang batas na payagang makapangisda ang mga Tsino sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Ito’y matapos ang pahayg ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na itinuturing na legally binding kahit verbal lamang ang naging kasunduan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jingping sa pagpayag ng dalawang bansa sa pangingisda ng magkabilang panig sa Exclusive Economic zone (EEZ) ng bansa na bahagi rin ng South China sea.
Ayon kay Panelo, ito ay dahil kapwa lider naman ng dalawang bansa ng nagbigay ng kanilang consent.
Sinabi ni Batongbacal na para maging legally binding ang isang kasunduan gaya nito na binabago ang National policy ng Pilipinas ay kailangan ng isang formal at written agreement na ipadadala sa Senado.
Kailangan pa aniya itong mapag-usapan at malaman ng publiko.
Sa mga pagpayag na ito ng pamahalaan ng pilipinas, ipinapakita lamang na takot talaga ang ating gobyerno sa China.
“Yung secret agreement na binding na daw , hindi pupwede yan, malabo yan dahil kailangan nyan ng Senate concurrent. Eh san titigil yung ganyang klaseng polisiya, kung magagawa yan sa likas yamang pangisdaan , pwede yang gawin sa likas yaman sa petrolyo o kaya sa mineral o kaya sa lupain”.