Pahayag ni Pangulong Duterte na maaaring tumanggap ng regalo ang mga pulis hindi labag sa labag sa batas ayon sa Malakanyang
Ipinagtanggol ng Malakanyang si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa ibat- ibang reaksiyon kaugnay ng naging pahayag nito na wala siyang nakikitang masama kung tumanggap man ng regalo ang mga pulis.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo exemption sa anti-graft provision o Republic Act No. 3019 kung ang isang regalo ay kusang ibinigay ng mga taong nabigyan ng tulong ng mga pulis at hindi bilang suhol kundi bilang isang token of gratitude o pasasalamat.
Ayon kay Panelo wala ring nalalabag na batas sa ilalim ng Republic Act No. 6713, o the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees kung ang isang bagay o regalo na ibinigay ay hindi bilang pabor na hiningi ng isang taga- gobyerno kapalit na naitulong nito sa isang indibidwal.
Inihayag ni Panelo bilang isang abugado batid ng Presidente ang itinatakdang mga exemption sa probisyon ng batas .
Ulat ni Vic Somintac