Pahayag ni Pangulong Duterte na nais na niyang magbitiw sa puwesto, isang krisis- Prof. Carlos
Nakakabahala ang mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais na niyang magbitiw sa puwesto dahil napapagod na siya sa problemang kinakaharap ng bansa sa iligal na droga at korapsyon.
Para kay Political Analyst Prof. Clarita Carlos, Martial law ang dating sa kaniya ng military junta na nais mangyari ng Pangulo.
Bukod aniya sa mga malalang problema ng bansa sa iligal na droga at korapsyon, isa pa marahil sa nakadaragdag isipin sa Pangulo ang umano’y dayaan sa vice-presidential race na hanggang ngayon ay hindi pa nasosolusyunan.
Pero dapat pairalin pa rin ang Rule of Succession o ang nakasaad sa Konstitusyon.
Binigyang diin ni Carlos na kung nabigo man ang Pangulo ay bigo rin ang Sambayanan sa inaasahan sa sa kaniya dahil inihalal siya sa paniniwalang siya ang Pangulong may maningas na pamumuno pero ngayon ay unti-unti nang nawawala.
“Parang papalapit tayo sa crisis situation. Meron naman siya talagang karapatang mapagod at mabwisit sa mga in-appoint niya na tiwali pero inihalal natin siyang lidet at siya ang nangunguna sa atin. Nabigo rin tayo sa expectation natin sa kaniya kasi during the campaign sa tingin ko siya ang kandidato na mayroong fire in his belly, eh mukhang ang fire na yun ay natupok na”.