Pahayag ni PRRD na magreretiro na sa pulitika, hindi dapat pagdudahan – Malakanyang
Dapat paniwalaan ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magreretiro na siya sa pulitika pagkatapos ng kaniyang termino sa June 30, 2022.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, matibay na ebidensiya na magreretiro na ang Pangulo sa pulitika ay hindi na itinuloy ang planong tumakbong Vice-President sa halip si Senador Bong Go ang naghain ng Certificate of Candidacy kapalit ng Chief Executive.
Ito ang sagot ni Roque sa mga nagdududa sa pagreretiro ng Pangulo sa pulitika dahil noong 2016 sinabi rin niya na hindi tatakbo sa halalang pang-Panguluhan subalit sa huli ay tumakbo sa eleksiyon at nanalo.
Ayon kay Roque hindi niya masagot kung mauulit ang nangyari noong 2016 na sa pamamagitan ng substitution process ay sumali ang Pangulo sa halalan.
Inihiyag ni Roque hintayin na lamang ang November 15 ang huling araw na itinakda ng Commission on Elections o COMELEC para sa substitution process sa mga kakandidato sa iba’t-ibang posisyon.
Niliwanag ni Roque kung ano ang posisyon ng Pangulo pagkatapos ng substitution process iyon ang pinal na desisyon ng Presidente para sa kanyang political career.
Vic Somintac