Pahayag ni Retired General Lacadin malaki ang naging damage sa kredibilidad ni Albayalde…magreretirong Heneral, maaaring kasuhan ng Negligence at Graft
May sapat ng bayatan para kasuhan ng kriminal at administratibo si PNP Chief Oscar Albayalde.
Kasunod ito ng pahayag ni Retired Police General Rudy Lacadin na inamin sa kanya ni Albayalde na nakatanggap ito ng bahagi sa Drug Raid sa Pampanga noong 2013.
Ayon sa mga Senador, matindi ang damage sa kredibilidad ni Albayalde ng pahayag ni Lacadin.
Naniniwala rin si Senador Richard Gordon na may batayan ang pahayag ng Heneral.
Hindi aniya normal sa mga graduate ng Philippine Military Academy (PMA) at mga retiradong Heneral na ilaglag ang mga kasamahan.
Ayon kay Gordon, maaaring magamit ang mga testimonya para habulin at kasuhan si Albayalde ng Neglect of Duty at Graft kahit magretiro pa ito sa Nobyembre.
Ayonkay Gordon, sisimulan na nila ang pagbalangkas ng report para sa pagrerekomenda ng kaso laban sa mga tinaguriang Ninja cops.
Panawagan ng mga Senador sana makarating sa Pangulo ang mga impormasyon para aksyunan si Albayalde.
Malaking kahihiyan aniya kung mananatili pa ito sa pwesto sa kabila ng mga alegasyon laban sa Heneral.
Ulat ni Meanne Corvera