Pahayag ni Sen. Trillanes na inilalatag na ni Justice Sec. Aguirre ang scenario para maabswelto si Kenneth Dong sa pagpasok sa bansa ng shabu shipment mula sa China, premature pa
Premature at katawa-tawa ang pahayag ni Senador Antonio Trillanes na inilalatag na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang scenario para maabswelto ang negosyanteng si Kenneth Dong sa pagpasok sa bansa ng 6.4 billion pesos na shabu shipment mula sa China.
Ayon kay Aguirre, dapat sumabak si Trillanes sa showbiz dahil lumalabas na magaling siyang scriptwriter.
Isinusulat na aniya ng Senador ang katapusan ng istorya kahit hindi pa naman ito nagsisimula.
Nilinaw ng kalihim na bagaman sinabi niya na maaring maging state witness si Kenneth Dong ay depende pa rin ito kung hindi ito ang most guilty sa krimen.
Si Dong Yi Shen alyas Kenneth Dong ang sinasabing middleman sa shabu shipment.
Kaugnay nito, hinamon ni Aguirre si Trillanes na isiwalat na lamang kung saan niya itinatago ang self-confessed hitman na si Arturo Lascañas dahil mahilig naman itong gumawa ng kwento.
Ulat ni: Moira Encina