Paiba-ibang pahayag ng mga mangingisda sa maritime incident sa Recto Bank, inaasahan na – Prof. Casiple

Inaasahan na ni Political Analyst Prof. Ramon Casiple na magiging paiba-iba ang pahayag ng mga mangingisda sa isyu ng pagbangga umano ng Chinese vessel sa barko ng Pilipinas sa Recto Bank.

Sa panayam kay Casiple, sinabi nitong sa simula pa lang ay may inconsistencies na sa pahayag ng kapitan at cook ng barko.

Batay kasi sa pahayag ng kapitan, binangga sila ng Chinese vessel pero inamin nitong tulog siya ng mangyari ang insidente habang hindi naman sigurado ang pahayag ng cook ng barko na binangga sila dahil nasa loob siya at hindi niya nakita kung sino ang bumangga.

Nakakagulat din aniya dahil hindi naman ang cook at kapitan ng barko ang unang naglabas ng kuwentong binangga sila ng Chinese vessel kundi galing ang kuwento sa ilang mga kritiko.

Gayunman, kailangang papanagutin ang sinumang barkong nakabangga sa barkong pangisda ng Pilipinas dahil malinaw na paglabag ito sa Maritime rules lalu na’t inabandona at hindi tinulungan ang ating mga mangingisda.

Nauna kasi yung mga third party kesa yung mismong involve eh at pare-pareho ang sinasabi na binangga..eh sino kayang nagsabi nun? sa tingin ko dapat inayos muna yung kuwento eh bago nagkaroon ng reaksyon. Yung bersyon kasi ng China eh inosente eh di daw nila alam so pabagu-bago ang istorya dun. kaya subject for investigation yun. Nasa level kasi tayo ngayon na their word against our word”.

Prof. Ramon Casiple, Political Analyst
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *