Paid subscription sa Australia at New Zealand, inilunsad na ng Facebook at Instagram
Sinimulan na ng Facebook at Instagram ang isang linggong paglulunsad ng una nilang paid verification service, upang alamin ang kahandaan ng users na magbayad para sa social media features na hanggang ngayon ay libre.
Nahaharap sa pagbaba ng kita sa advertising, ang parent company na Meta ay nagsimula ng isang subscription sa Australia at New Zealand bago ito ilabas sa mas malalaking market. Ang serbisyo ay nagkakahalaga ng US$11.99 sa web at US$14.99 sa iOS at Android mobile platform.
Ayon sa kompanya, simula sa Biyernes, ang subscribers na nagbibigay ng government-issued IDs ay maaari nang magsimulang mag-apply para sa isang verified badge, na nag-aalok ng ‘proteksyon laban sa impersonation, direct access sa customer support at more visibility.’
Sinabi ng tagapagsalita ng Meta, “We’ll be gradually rolling out access to Meta Verified on Facebook and Instagram and expect to reach 100 percent availability within the first 7 days of the rollout.”
May ilang nagtangka mula sa Sydney na mag-join sa Meta Verified, ngunit natuklasan na ang serbisyo ay hindi available sa unang araw ng paglulunsad.
Sa isang pahayag na ipinost sa Facebook at Instagram ay sinabi ni Meta CEO Mark Zuckerberg, “This new feature is about increasing authenticity and security across our services.”
Ang hakbang ay magbibigay-daan din sa Meta para makakuha ng dagdag na kita mula sa dalawang bilyon nitong users.
Ayon sa mga eksperto, ang dumaraming creators, influencers at pseudo-celebrities na ginagawa nang hanapbuhay ang online ang malinaw na magiging users ng verification.
Marami sa mga ito ang nagrereklamo na mahirap ayusin ang mga problemang teknikal at administratibo, na nagiging sanhi ng pagkaantala at pagkawala ng kita.
Ayon kay Jonathon Hutchinson, isang lecturer sa online communication sa University of Sydney, “A kind of ‘VIP service’ could be quite a valuable proposition for a content creator.”
Subalit bago ang paglulunsad, ang ordinaryong users ay tila hindi gustong magbigay pa ng pera sa isang kompanya na malaki na ang kinikita mula sa kanilang data.
Sinabi ni Ainsley Jade, isang 35-anyos na social media user sa Sydney, “I think most of my friends would laugh at it. I see a trend toward more casual use of social media and a shift away from a time when you ‘put your whole life on there.’ I think people are sort of moving away from that… but definitely, definitely wouldn’t pay for it — no way!”
May ilang mga komentarista na nagpahayag ng pag-aalinlangan kung bakit ang Facebook at Instagram ay magpapatibay ng isang verification-subscription strategy na sinubukan ng karibal nitong Twitter ilang linggo pa lang ang nakalilipas – na may mas mababang resulta.
Ngunit sinabi ni Hutchinson, na ang Meta ay madalas na nagpapakita ng kahandaang sumubok ng bago, at kung minsan ay ‘risky models’ para lamang alisin kung alin ang hindi na gumagana.
Aniya, “I see this latest gambit as part of a broader effort to condition users to pay for social media. I think it’s part of a slow-burning strategy to move toward a model that is not free, where more and more services and functionality will be a paid or subscription-based service. I think over the long-term the functionality that we have now — joining groups, selling things on ‘Marketplace’- all of these add-ons that have emerged on Facebook over the years will eventually become subscription-based services.”
© Agence France-Presse