Pakapanalo ni Pacquiao kontra Matthysse, pinuri ng mga Senador
Umani ng papuri sa mga Senador si World boxing champion at Senador Manny Pacquaio matapos mapatumba ang Argentine boxer na si Lucas Matthysse.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, muling pinag-isa ni Pacquaio ang mga Filipino.
Maghahain naman ng resolusyon si Senador Juan Miguel Zubiri sa pagbabalik ng sesyon sa Lunes para parangalan ang kapwa Senador.
Pero si Senador Ping Lacson, hinihimok si Pacquaio na magretiro ba sa boxing.
Paalala ni Lacson, mas masarap pumalakpak habang nanonood kumpara sa mga talunang boksingero.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: