Pakikipag-ugnayan ni VP Leni Robredo sa UN at US hinggil sa War on Drugs sa Pilipinas, hindi hahadlangan ng Malakanyang
Hindi pipigilan ng Malakanyang ang plano ni Vice President Leni Robredo na makipag-ugnayan sa United Nations at United States of Amerika kaugnay ng war on drugs ng Pilipinas sa pamamagitan ng intelligence information.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hahayaan ng Malakanyang si Robredo na gumamit ng sariling diskarte sa war on drugs matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang anti illegal drug czar.
Ayon kay Panelo walang itinatago ang administrasyon sa ginawang all-out war on illegal drugs lalo na sa isyu ng extra judicial killings.
Magugunitang pinupuna ng UN at US ang policy ng Duterte administration sa war on drugs na sinasabing marami na ang napapatay kaya nais panagutin ang Pangulo sa kaso ng extra judicial killings at human rights violations.
Ulat ni Vic Somintac