Pakikipagkaibigan nito sa Pilipinas tinawag na irreplaceable ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida
Sa kaniyang talumpati sa joint session ng Kamara at Senado, ay sinabi ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na ikinararangal niya na mabigyan ng oportunidad bilang kauna-unahang Prime Minister ng Japan na nakapaghatid ng mensahe sa kongreso.
Ayon sa Prime Minister, bagama’t hindi palaging smooth sailing ang relasyon ng Japan at Pilipinas, nakamit na ngayon ng dalawang bansa ang golden age ng pagkakaibigan at magandang ugnayan.
Ngayong taon kasi aniya ang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng pagkakaibigan at kooperasyon sa pagitan ng Japan at ASEAN.
Ayon kay Kishida, “Looking back over the long history of our bilateral relationship, it has not always been smooth sailing. We cannot forget the endeavor of our predecessors based on the spirit of tolerance, including the pardon of Japanese war criminals by President Quirino in 1953, which paved the way for our two countries to overcome difficult times and build the friendly relationship we enjoy today. Today, Japan-Philippines relations have reached the point of being called a ‘golden age’.”
Binigyang-diin pa ng Japanese official ang kahalagahan ng human dignity para sa pagkakaroon ng kapayapaan at katatagan ng buong mundo.
Tinalakay din nito sa mga mambabatas ang kanilang mga plano tulad ng pagsusulong ng free at open Indo-Pacific na siyang mag-uugnay sa kapayapaan at kasaganaan ng mga bansa sa Indo-Pacific, pagtugon sa pagtutulungan sa mga hinaharap na hamon ng mga bansa sa rehiyon at pagpapalakas ng ugnayan at relasyon ng mga bansa sa ASEAN.
Sinabi pa ni Kishida, “In order for everyone to live with dignity, it is essential to build a peaceful and stable world. From this standpoint, I confirmed with President Marcos during his visit to Japan in February that we would work together to maintain and strengthen the free and open international order based on the rule of law. Furthermore, during my visit to the U.S. in January, I expressed my strong determination to defend a ‘Free and Open Indo-Pacific’.”
Tinalakay din ni Kishida ang tungkol sa defense cooperation, economy at investment, kooperasyon tungkol sa mga pandaigdigang isyu, at lalo pang pagpapaigting sa JAPAN-PHIL-US cooperation.
Mananatili naman aniya ang higit pang pagpapalakas ng magandang relasyon at pagkakaibigan ng Japan at Pilipinas.
Pahayag pa nito, “Various exchanges and cooperation between the two countries are underway, such as visit of members of the Japan-Philippines Parliamentarians’ Friendship League to the Senate and the House of Representatives of the Philippines this summer. Now I would like to introduce some specific examples of our cooperation.”
Sa pagtatapos ng makasaysayang event na ito, ay kapwa nagpasalamat at tiniyak din ng mga lider ng Senado at Kamara ang patuloy na magandang ugnayan ng dalawang bansa.
Ito na ang ika-limang beses na may isang foreign leader ang binigyang pagkakataon na makapagbigay ng mensahe sa Kongreso.
Meanne Corvera