Pakistani na gumamit ng pekeng Philippine Visa, arestado sa NAIA
Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang Pakistani sa NAIA dahil sa paggamit ng pasaporte na may pekeng Philippine visa.
Kinilala ang 25 anyos na dayuhan na si Salman Khan na nadakip sa immigration departure area sa NAIA Terminal 1.
Nakumpirma ng BI forensic document laboratory na peke ang Philippine visa sa kanyang Pakistani passport.
Nadiskubre rin na peke ang BI departure stamp sa pasaporte ni Khan na nagpapakita na siya raw ay dumating sa Pilipinas noong November 18, 2018 sa pamamagitan ng pekeng Philippine visa na naisyu umano noong October 10, 2018.
Nabatid din ng BI na ang huling petsa ng pagdating sa bansa ni Khan ay noon pang June 2015 kaya lumalabas na ito ay overstaying alien.
Nakakulong na si Khan sa BI detention facility sa Bicutan at mahaharap siya sa reklamong paglabag sa Philippine Immigration Act.
Ulat ni Moira Encina