Pakiusap ni PBBM sa Kamara na bigyan ng bigas ang mahihirap na mamamayan sa NCR sisimulan na sa susunod na Linggo
Bilang pagtalima sa kahilingan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa Kamara na mabigyan ng bigas ang poorest of the poor sa National Capital Region o NCR pasisimulan na ito sa susunod na Linggo.
Ito ang inihayag ni House Speaker Martin Romuladez matapos hilingin sa 33 mga Kongresista na nasa NCR.
Ayon kay Romualdez ang programa ay tatawaging malaya rice na ang ibig sabihin ay hindi na pro-problemahin ng mga mahihirap na mamamayan ang bigas na kilalang staple food ng mga Pinoy.
Inihayag ng lider ng Kamara na inatasan niya ang mga NCR Congressmen na i-identify ang sampung libong mga pinakamahirap sa Metro Manila na bibigyan ng cash assistance na maaaring ipambili ng 15 kilo ng bigas.
Niliwanag ng House Speaker na ang malaya rice program ay magko-compliment sa assistance to individual in crisis situation o AICS ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Sinabi ni Romualdez hindi lang sa NCR ipapatupad ang rice assistance sa mga mahihirap na mamayan kundi ito ay dadalhin din sa Metro Cebu at Metro Davao na mga hindi rice producing area kaya mataas ang presyo ng bigas.
Magugunitang noong alisin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang bisa ng EO 39 na nagtatakda ng price ceiling sa presyo ng bigas ay hiniling ng Chief Executive sa 33 NCR Congressmen na tumulong para mabigyan ng bigas ang mga mahihirap na mamamayan sa Metro Manila.
Vic Somintac