PAL, nakikipag-ugnayan na sa DOH at Bureau of Quarantine kaugnay sa Novel Coronavirus
Minomonitor na rin ng Philippine Airlines (PAL) ang mga ulat kaugnay sa bagong coronavirus mula sa Wuhan, China.
Sa Travel advisory ng PAL, sinabi na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Health at Bureau of Quarantine, at iba pang Health authorities para sa mga precautionary measures bagamat wala silang flights mula o papunta sa Wuhan para sa proteksyon ng kanilang mga pasahero at mga crew.
Kaugnay nito, hinimok ng PAL ang mga pasahero nito na gawin at sundin ang mga preventive measures na inilatag ng World Health Organization (WHO) at ng Bureau of Customs (BOC) para makaiwas na mahawahan.
Kabilang na rito ang pagsusuot ng face mask bilang dagdag na proteksyon.
Para naman sa mga departing passengers, pinayuhan ang mga ito ng PAL na huwag nang tumuloy sa kanilang biyahe at magpatingin na agad sa doktor kung nakakaranas ng sintomas gaya ng respiratory problems, ubo at sipon, trangkaso, mataas na lagnat, at hirap sa paghinga.
Ulat ni Moira Encina