Palainom ng kape sa umaga, hahaba ang buhay ayon sa pag aaral

Tunay na coffee lovers ang mga Pilipino,  kaya naman may mga taong hindi kumpleto ang araw kapag hindi nakainom ng kape.

Sa buong mundo,  ang kape ang karaniwang iniinom ng tao  kumpara sa ibang beverages o inumin.

Sa kasalukuyan din, iba iba na ang uri ng kape, may brewed, may  three in one,  may herbal coffee at maraming iba pa.

Black coffee o coffee with cream, masarap ito sa panlasa ng mga Pinoy.

Ngunit alam ba ninyo  na  may lumabas na   pag aaral na  nakapagpapahaba ng buhay ang paginom ng kape lalo na sa umaga?

Ang resulta ng  pag aaral ay ipinakita sa European society of  Cardiology Congress sa Barcelona.

Sinasabi ng mga ekperto na siyang gumawa ng pag-aaral  na  ang  mga taong umiinom  kada araw ng apat na tasa ng kape  ay bahagi ng healthy diet ng  malulusog na  tao.

Magkagayon man, nilinaw  din sa nasabing pag aaral na bagaman ang kape ay iniuugnay sa all cause  mortality,  hindi pa ito naiimbestigahan ng  Mediterranean  country.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *