Palasyo itinurong nasa likod ng pagpapatalsik sa mga Senador na miyembro ng LP sa majority bloc

kiko

Malacanang ang itinuro ng Liberal Party na nasa likod ng pagpapatalsik sa kanila sa Chairmanship at Coalition sa Senado.

Ayon kay LP President at Senator Francis Pangilinan, inaasahan na nila na ito ang susunod na hakbang ng  Malacanang matapos nilang batikusin ang gobyerno sa ginawang iligal na pagpapa aresto kay Senadora Leila de Lima at pagbatikos sa mga kaso ng extra judicial killings.

 “We saw the writing on the wall, talagang hindi sila papayag dahil sa ating pambabatikos sa mga patakaran ng pamahalaan lalo na dito sa extra judicial killings”.- Sen Pangilinan

Kasama aniya ito sa plano dahil hindi komportable ang Pangulo sa pagiging kritiko nila sa administrasyon.

Sabi rin ni Senador Bam Aquino, nasampolan sila ng gobyerno dahil sumama sila sa grupong nagtungo sa EDSA noong Sabado para iprotesta ang pagsikil sa demokrasya.

Bukod pa rito ang ginagawang pagharang sa Death Penalty Bill at pagbatikos sa maraming isyu na kinasasangkutan ng Pamahalaan.

Pero iginiit ni Aquino na sumama sila sa Alyansa ng Administrasyon dahil nagbigay ng katiyakan noon si Senate President Aquilino Pimentel na magiging independent ang Senado.

“Ang masasabi ko lang, ang mga natanggal ngayon sa mga committee chairmanships, kami iyong nandoon noong Sabado – we were all present there. Sa mga interviews doon sinabi namin na mahalaga ang demokrasya sa ating bansa, mahalaga na may kabilang boses na pinakikinggan ang taong bayan dahil demokrasya tayo. Maybe because of that, after a few days, ayan natanggal na kami sa aming chairmanship”.-Sen. Aquino

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *