Palasyo, kinontra ang GPI report hinggil sa ranking ng Pilipinas bilang 2nd less peaceful country sa Asia Pacific Region

Courtesy of Wikipedia.org

 download
courtesy of wikipedia.org

Palaisipan para sa Palasyo ng Malakanyang kung ano ang naging basehan ng  Global Peace Index report na nagsasabing pangalawa ang Pilipinas sa pinaka magulong bansa sa Asia Pacific Region.

Ito’y dahil umano sa crackdown ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra iligal na droga at kriminalidad.

Pahayag ni Presidential Spokesman  Ernesto Abella, paanong magkakaganun gayong marami sa mga Pilipino ang masaya sa performance ng administrasyon.

62 porsiyento aniya ng mga Pilipino ay kuntento sa pagsugpo ng Duterte administration sa krimen habang 64 porsiyento ay nagpahayag ng pagpabor sa paglaban ng gobyerno kontra naman sa terorismo.

Bukod pa dito ang lumabas sa mga pag-aaral na mas ramdam ngayon ng mayorya ng mga Pilipino na ligtas ang kanilang pakiramdam kapag silay nasa lansanagan.

Tila may bahid aniya ng pulitika ang nasabing GPI study dahil sadyang kaibayo sa sentimyento ng nakararaming mga Pinoy ang resulta ng ginawang pag-aaral nito.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *