Palawan napabilang sa Best Islands in the World para sa 2024
Muling napabilang ang Palawan sa World Best Awards ng Travel + Leisure ngayong 2024.
Ang isla ng Palawan ay nasa ranked 13th sa listahan ng 25 best islands to visit around the world, na ibinatay sa mga boto mula sa readers ng naturang magazine, kung saan nakakuha ito ng score na 90.59.
Nangunguna naman sa listahan ang Maldives, sinundan ng Phu Quoc sa Vietnam, Bali sa Indonesia, Milos sa Greece, at Dominica.
Ang Palawan ay bahagi rin ng Travel + Leisure’s list ng 5 favorite Islands in Asia, kung saan pang-lima ito sa Maldives, Phu Quoc, Bali, at Thailand’s Koh Samui.
Sinabi ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco, na ang pagkilala ay magsisilbing inspirasyon sa tourism stakeholders ng iba pang mga destinasyon sa Pilipinas, at hihimok sa kanila upang i-promote ang turismo at ipakita ang natural na ganda ng Pilipinas.
Ayon naman kay Maria Margarita Montemayor Nograles, Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board, ang karangalan ay patunay lamang sa kakaibang ganda ng Palawan at hindi mapapantayang dedikasyon ng mga pilipino na makapagbigay ng hindi malilimutang karanasan sa mga turista, lokal man o dayuhan.
Kilala ang Palawan na puntahan ng nature enthusiasts dahil sa kaniyang pristine beaches, limestone cliffs, hidden lagoons, at mayabong na lush rainforests, at narito rin ang Puerto Princesa Subterranean River National Park, na isang UNESCO World heritage site.