Paleng-QR Ph program ng BSP at DILG, inilunsad sa Baguio City
Ang Baguio City ang unang local government unit (LGU) na nagpatupad ng Paleng-QR Ph program ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of the Interior and Local Government (DILG).
Layunin ng Paleng-QR Ph na isulong ang cashless payments bilang alternatibong mode of payment sa mga pampublikong pamilihan at pampublikong sasakyan.
Inilunsad ang programa sa Malcolm Square sa tapat ng Baguio City Public Market.
Nag-setup ng mga booth ang financial service providers (FSPs) sa nasabing lugar para alalayan ang market vendors at shop owners sa pagbukas ng transaction accounts at pag-imprenta ng quick response (QR) codes para sa kanilang stalls.
Tiniyak ng BSP na handa ito na tulungan ang LGU sa pamamagitan ng technical assistance,
resource sharing para sa financial literacy programs, at iba pang Paleng-QR Ph post-launch activities.
Tiwala ang Baguio City LGU na makatutulong ang Paleng-QR Ph para mapagbuti ng lungsod ang collection systems, mapabilis ang pagbabayad, matiyak ang transparency at integridad sa mga transaksyon, maalis ang malpractices at maprotektahan ang public health sa harap pa rin ng pandemya.
Moira Encina