Palitan ng piso kontra dolyar posibleng umabot ng P65
Posibleng umabot sa 65 pesos ang palitan ng piso kontra dolyar.
Sa kapihan sa Manila bay news forum, sinabi ni Albay Congressman Joey Salceda na isa ring kilalang ekonomista na puwede pa naman itong mabago depende sa magiging galaw ng Estados Unidos para mapababa ang kanilang inflation.
Sa kabila nito, naniniwala si Salceda na kayang gawan ng Marcos administration ng remedyo para hindi naman masyadong mahirapan ang mga ordinaryong Pilipino.
Mahalaga rin aniya ang papel ng BSP para mapabagal ang depreciation ng peso.
Bagamat nakatutulong ang remittances mula sa Overseas Filipino Workers, hindi ito sapat para mapigilan ang epekto ng mataas na palitan ng dolyar.
Ang BSP ,una nang itinaas ang key interest rates nitong nakaraang linggo sa 4.25% para daw mabawasan ang epekto ng inflation sa gitna ng humihinang halaga ng piso.
Madelyn Villar – Moratillo