Palpak na sistema sa pagpapatupad ng Cashless ng mga Toll operators, pinuna ni PRRD
Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang palpak na sistema ng mga toll operatoprs sa pagpapatupad ng cashless transaction.
Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na hindi pinag-aralang mabuti ng mga toll operators ang pagpapatupad ng cashless transaction sa pamamagitan ng paggamit ng RFID.
Ayon sa Pangulo dapat nagkaroon muna ng sapat na panahon para sa dry-run ng sistema upang hindi humantong sa pagkakabuhol-buhol ng daloy ng trapiko sa mga Toll plaza ng mga expressway.
Inihayag ng Pangulo na hindi naman bagong bagay ang paggamit ng electornic system sa mga expressway dahil matagal na itong ginagamit.
Iginiit ng Pangulo na dapat sana hindi isinama sa toll plaza ang pagkakabit ng sticker ng RFID para maiwasan ang pagdagsa ng mga sasakyan na nagresulta sa pagkakabuhol-buhol ng daloy ng trapiko.
Vic Somintac