Pamahalaan hindi magbabayad ng 7.3 bilyong piso sa Manila Water -Malakanyang
Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na bayaran ang mahigit 7 bilyong pisong arbitration case na napanalunan ng Manila Water sa Permanent Arbitral Tribunal sa Singapore.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo sa una pa lamang tagilid na ang kontrata na pinasok ng Manila Water sa gobyerno.
Sinabi ni Panelo masyadong agrabyado ang pamahalaan sa mga termino at probisyon ng consession agreement.
Dahil sa desisyon ng Permanent Arbitral tribunal sinisingil ng Ayala led na Manila Water ang pamahalaan ng mahigit pitong bilyong pisong danyos dahil sa pagharang sa pagtataas ng singil sa tubig may ilang taon na ang nakararaan.
Niliwanag ni Panelo ang Department of Justice na ang bahalang magsampa ng kasong economic sabotage sa mga may ari ng Manila Water ar Pangilinan group na Maynilad alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Idinagdag ni Panelo na ipinasisilip narin ng Pangulo ang iba pang kontrata ng pamahalaan sa iba pang private companies na mayroong erroneous provisions.
Ulat ni Vic Somintac